NAKATAKDANG buksan ng tinaguriang leading carrier Cebu Pacific (PSE: CEB), ang kanilang dalawang panibagong ruta papuntang Bangkok via Don Mueang International Airport (DMK) at Masbate upang masilayan ng mga dayuhan ang ibat-ibang lugar sa bansa.
Ang kanilang flight sa Mueang ay magsisimula sa darating na Oktubre 2 sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes at ang ruta sa Masbate ay sisimulan sa huling dalawang Linggo ng Oktybre sa loob ng tatlong araw sa isang Linggo.
Ang dalawang rutang ito ay alinsunod sa kanilang programa na mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino o dayuhan na makasakay sa pinakamurang pamasahe, ayon kay Xander Lao Cebu Pacific president and Chief Commercial Officer.
Ayon pa kay Lao ang Masbate ang isang probinsiya na nakasama sa kanilang inter-island connectivity expansion maliban sa mga lugar ng Ticao at Burias island kung saan matatagpauan ang Marine life at white beaches.
Bilang antisipasyon pinapayuhan ang mga pasaherong nagnanais magpunta sa Mueang, Bangkok at Masbate na magpa-book na magmula sa Hunyo 13 sa halagang 1 peso one way fare exclusive of fees and surcharges. FROILAN MORALLOS