2 BAHAY NIRATRAT: 2 PATAY, 5 SUGATAN

MASBATE- NANATILING blangko pa rin ang mga homicide probers ng PNP-PRO5 sa motibo ng mga hindi pa nakikilalang suspek na nasa likod ng naganap na pamamaril sa dalawang bahay sa Milagros sa lalawigang ito na ikinamatay ng 3 katao kabilang ang isang bata at ikinasugat ng limang iba pa.

Ayon sa Masbate PNP may mga lead at person of interes na silang tinututukan na posibleng magbigay linaw sa naganap na pamamaril sa bahay ng dalawang pamilya sa Barangay Capaculan, Milagros, Masbate.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Maj. Rustom Dela Torre, hepe ng Masbate PNP, dead on the spot ang tatlong biktima na nakilalang sina Bengie Cataga, 39-anyos; Jonel Verona, 20-anyos at Jeddah Raven, 11-anyos na kapwa estudyante.

Sugatan naman sa nasabing pamamaril ang limang iba pa na sina Juanito Cataga, Artemio Cataga, Michille Cataga, Niño Rosero, at Felomina Dizon na pawang naka-confine pa sa pagamutan.

Base sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang hindi pa nakikilalang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 9mm, caliber 45 pistol at 5.56 rifle.

Sinasabing magkalayo ang mga bahay ng dalawang pamilya na isa sa mga angulo o motibong tinututukan ng mga imbestigador. VERLIN RUIZ