BUKIDNON – PINANINIWALAANG politika ang isa sa dahilan kaya niratrat at pinaslang ang dalawang barangay kagawad sa tapat ng barangay hall sa Barangay Dominorog, bayan ng Talakag, noong Lunes ng umaga.
Kinilala ni P/Capt. Dominador Orate, hepe ng Talakag-PNP, ang mga biktima na sina Kagawad Lorenzo Pedyaan at Kagawad Mauricio Guinto na idineklarang patay sa pagamutan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na habang papasok na sa gate ng barangay hall ang mga biktima nang lapitan at pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki.
May lead na rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng posibleng nag-utos sa pamamaril. MHAR BASCO
Comments are closed.