AGUSAN DEL NORTE – INAKO ng New People’s Army (NPA) ang panununog sa dalawang barge ng Dynamic Mining Corp. noong Biyernes ng gabi sa Barangay Lingayao, sa bayan ng Las Nieves.
Dahil dito, kinondena ni Capt. Al Anthony Pueblas, Civil Military Operation Officer sa 401st Brigade Philippine Army ang ginawa ng mga rebelde.
Aniya, malaking pinsala na naman ang ginawa ng NPA hindi lamang sa nasabing mining company kundi pati na sa mga nagtrabaho nito na nawalan ng pangkabuhayan.
Mahigpit na kinondena ito ng militar dahil sa pinsalang hatid nito sa ekonomiya ng bansa.
Aminado ang opisyal na nakasisira ang mining company sa kalikasan dahil sa aktibidad ngunit walang karapatan ang NPA na magsagawa ng parusa dahil may kaukulang ahensiya ng gobyerno na gagawa nito.
Dahil dito, hindi aniya ang environment destruction ang dahilan sa panununog kundi ang hindi pagbayad ng kompanya sa hinihinging halaga ng teroristang grupo.
Una nang inako ng NPA-Western Agusan del Norte–Agusan del Sur na sila ang sumunog sa dalawang barges. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.