2 BARKO LUMAHOK SA JOINT TOWING AT CANNON EXERCISES

BATAAN- INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang barko ang idineploy para lumahok sa limang araw na joint towing at water cannon exercises malapit sa karagatan sakop ng Lamao sa lalawigang ito.

Ayon sa pahayag ng PCG, ang dalawang barko na kanilang ipinadala ay ang BRP Teresa Magbanua at BRP Malapascua upang makiisa sa naturang pagsasanay.

Dito ay ipinamalas ng naturang mga Multi-Role Response Vessels at kanilang sailing crew ang wastong paghawak ng mga emergecy towing gears, pagpili ng tamang towing line, at wastong paghagis ng tow lines.

Gayundin, ang mga protocol ng pagsubok at pagpapakita ng kakayahan sa pagtukoy ng mga banta sa dagat sa loob ng area of responsibility kung saan ginanap ang naturang aktibidad. EVELYN GARCIA