HOLE IN THE DECK. The hole in the deck of Philippine Coast Guard (PCG) ship BRP Bagacay caused by dangerous maneuvers of China Coast Guard (CCG) ships that resulted in a collision on Monday (Aug. 19, 2024). Another PCG ship, the BRP Cape Engaño, was also damaged in another incident that occured just minutes after the first collision. (Photo courtesy of PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela)
Inakusahan ng Pilipinas kahapon ang Chinese Coast Guard ng panibagong “labag sa batas at agresibong maniobra” sa West Philippine Sea (WPS), na nagresulta sa mga banggaan na nagdulot ng pinsala sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
“Kaninang umaga, ang Philippine Coast Guard (PCG) vessels na BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) ay nakaranas ng labag sa batas at agresibong maniobra mula sa Chinese Coast Guard vessels habang papunta sa Patag at Lawak Islands sa West Philippine Sea,” ayon sa National Task Force for the West Philippines Sea (NTF-WPS) sa isang pahayag.
“Ang mga mapanganib na maniobra na ito ay nagresulta sa mga banggaan, na nagdulot ng pinsala sa istruktura sa parehong mga barko ng PCG
Kinumpirma ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na nagtamo ng structural damage ang dalawang barko ng Pilipinas na nagsagawa ng resupply mission kahapon madaling araw.
Ito ay matapos ang agresibong maneuver ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa NTF-WPS, nagkaroon ng bahagyang sira ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño matapos ang hiwalay na pagbangga ng CCG vessels malapit sa Escoda Shoal.
Unang nabutas ang deck ng BRP Cape Engaño pasado alas-3 ng madaling araw dahil sa maneuver ng CCGV-3104, bago ang dalawang beses na pagbangga ng CCGV 21551 sa BRP Bagacay.
Sa kabila nito, inulat ng PCG na nagpatuloy sa misyon ang dalawang barko patungo sa Patag at Lawak Islands.
Nauna rito, nagsumite ng diplomatic protest ang China dahil umano sa ilegal na pananatili ng PCG vessel BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal kahit ito ay nasa loob ito ng Philippine Exclusive Economic Zone.
nabatid na nagbabantay ang mga tauhan ng PCG sa hinalang may ginagawa na namang reclamation ang China sa area.
Ang Escoda Shoal, na tinatawag ding Sabina Shoal, ay matatagpuan 75 nautical miles o humigit-kumulang 140 kilometro mula sa Palawan at nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang BRP Teresa Magbanua ay naka-istasyon sa Escoda Shoal mula noong Abril sa gitna ng mga ulat ng mga aktibidad sa reclamation ng China sa lugar.
Hinimok ng NTF-WPS ang “pagpigil at pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang nauugnay na mga internasyonal na batas upang maiwasan ang higit pang paglala at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng sasakyang pandagat na tumatakbo sa rehiyon.”
Sa kabila ng mga pag-uusap para sa de-escalation, nagpapatuloy ang tensyon sa WPS sa gitna ng malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea (SCS).
VERLIN RUIZ