NAKADAONG na sa bansang Oman ang Philippine Navy (PN) ships BRP Davao Del Sur (LD602) at BRP Ramon Alcaraz (PS16) sakay ng Naval Task Force (NTF) 82 contingents para tumulong sa repatration ng mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng tensiyon sa Middle East.
Nag-ulat kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Adm. Giovanni Carlo bacordo si Head of mission Marine Col. Noel Beleran kasama ng LD602 at PS16 commanding officers kaugnay sa ligtas na paglalayag at pagdaong ng kanilang contingents sa Sultan Qaboos Port, Oman.
Agad na nagsagawa ng kanilang courtesy call sina Beleran kay Philippine envoy to Oman Ambassador Narciso Castañeda.
Ayon kay Bacordo ang dalawang barko ay magsisilbing sea-based platform ng pamahalaan para iproseso at i-facilitate ang pagpapauwi sa mga displaced OFW.
Kaugnay nito, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakatakdang joint AFP-PNP command conference sa Malacañang kung saan ay makakasali ang NTF 82 sa pamamagitan ng video teleconferencing kasama si Amb. Castañeda.
Ayon kay Beleran, isa namang milestone ito para sa Hukbong Dagat dahil naipakita nila na may kakayahan na ang ating Navy na maglayag sa deep waters ng Indian ocean or Arabian Sea. VERLIN RUIZ
Comments are closed.