NORTHERN SAMAR-ISANG pamangkin at anak ang nasawi nang sunugin ng ama ang kanilang bahay sa bayan ng Catarman ng lalawigang ito.
Agad na nadakip ang suspek na kinilalang si Fernando Ford Frigillana, 39-anyos at residente ng naturang bayan.
Ayon kay SFO2 Rubin Calumpiano ng Catarman Bureau of Fire Protection, patay sa nasabing sunog ang anak nitong 16-anyos at pamangkin na 13-anyos.
Nabatid na umuwing lasing ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang hawak ang itak na naawat naman ng mga kamag-anak nito.
Subalit, pagsapit ng hatinggabi ay sinilaban ng suspek ang kanilang bahay na dahil sa himbing ng pagkakatulog ng mga biktima ay na-trap na ito at hindi na nagawa pang makalabas sa nagliliyab na bahay.
Samantala, nanatili naman sa kostudiya ng mga pulis ang suspek habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon ukol sa naturang insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.