ZAMBOANGA DEL NORTE – DALAWANG paslit ang nasawi nang masabugan ng granada kahapon ng umaga sa Dipolog City.
Sa report na nakarating sa himpilan ng Philippine Army, may edad lamang na lima at walong taon ang mga musmos na biktima.
Sinasabing kasalukuyang naglalaro ang mga biktima sa loob ng isang bahay sa Barangay Sicayab nang mangyari ang pagsabog na iniimbestigahan pa ng awtoridad dakong alas-11 kahapon ng umaga.
Lumitaw sa paunang pagsisiyasat ng Dipolog City Police Station na napaglaruan ng mga paslit ang isang rifle grenade nang biglang sumabog ito.
Nabatid na kasama ng mga bata ang kanilang ama na nagkataong nagbabantay sa kanilang “ukay-ukay” business nang magulantang ito sa malakas na pagsambulat mula sa kuwarto ng mga bata. VERLIN RUIZ
Comments are closed.