PATAY ang dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, 3-anyos, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag, 3-anyos.
Ayon kay Caloocan Fire Arson Investigator FO1 Billy Reuben Umipig, dakong ala-6:35 ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa naganap na sunog sa 190 Ana Bustamante St. 2nd Avenue, Brgy. 43.
Kaagad inatasan ni Fire Insp. Elyzer Ruben Leal, hepe ng Caloocan Fire Protection Investigation Intelligence Office ang kanyang mga tauhan na rumesponde sa naturang lugar at idineklarang fire out
ang sunog dakong ala-6:44 ng gabi.
Isang Alvin Ramos na residente sa naturang lugar ang tumulong na makuha sa nasusunog na bahay ang mga biktima at kaagad isinugod ang mga ito sa naturang pagamutan.
Sa imbestigasyon ni FO1 Umipig, tatlong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay habang tinatayang nasa P60,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan BFP upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng insidente. EVELYN GARCIA
775925 242526You must take part in a contest for among the best blogs on the internet. I will suggest this internet site! 990313
717565 684684Glad to be 1 of several visitants on this awful site : D. 468415
208719 595365Greetings! Quick question thats completely off topic. Do you know how to make your website mobile friendly? My website looks weird when browsing from my apple iphone. Im trying to uncover a template or plugin that might be able to correct this problem. If you have any suggestions, please share. With thanks! 86884