2 BEBOT,  4 PA HULI SA ‘BULONG-SHABU’

SHABU

MALABON CITY – ARESTADO ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae sa magkahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa lungsod na ito noong ­Miyerkoles ng mada­ling araw.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jerry Basu­ngit, dakong alas-6 ng umaga nang isagawa ng mga operatiba ng Malabon Station Drug Enforcement Unit at PDEA-CAMANAVA ang buy bust operation sa ­Gumamela St., Brgy. Longos.

Naaresto sina Malou Relucio alyas “Dora”, 50, ng Alupihang Dagat, Brgy. Longos, Michael Bautista, 38, ng Pasco St., Brgy. Tonsuya at target ng operation na si Ernesto Ciego, 31, ng Gumamela St., matapos magbenta ng isang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P300 marked mon-ey.

Hindi umano namalayan ni Dora na ang kaniyang binubulungan ng shabu ay isa palang pulis.

Nauna rito, nadakip din habang pasimpleng inaabot ng mga drug peddler na sina Delberto Nuñez, Arvee Luz Mae Barros, at Paul Urratia sa poseur buyers ang droga sa McArthur Highway, Brgy. Potrero dakong alas-3:50 ng madaling araw. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “2 BEBOT,  4 PA HULI SA ‘BULONG-SHABU’”

  1. 483810 352992I discovered your weblog internet site on google and examine several of your early posts. Continue to maintain up the superb operate. I merely extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of forward to reading far more from you later on! 836766

Comments are closed.