RIZAL – NASAKOTE ang magkapatid na babae nang tangkang ipuslit ang P1.3 milyong halaga ng shabu na inilagay sa condom makaraang dumalaw kamakalawa ng hapon sa kanilang mga live-in partner na nakakulong Bureau of Jail Management and Penology sa Antipolo City.
Ayon sa ulat na natanggap ni Col. Felipe Maraggun, Provincial Director, kinilala ang magkapatid na sina alyas Kath at Sally ng Brgy. San Isidro ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ng Antipolo Component City Police Station, nang kapkapan ang dalawa bago makapasok sa jail facility ay nakita ang mga condom na itinago ng mga suspek sa kanilang ari na naglalaman ng dalawang nakataling plastic na naglalaman ng shabu na may kabuuang timbang na humigit kumulang 200 gramo.
Mabilis na inireport ito ng BJMP Antipolo sa pulisya at agad din namang inaksyunan katuwang ang Antipolo City Drug Enforcement Team (CDET). ELMA MORALES