DALAWANG beses na isasailalim sa swab test o RT-PCR test ang mga pasaherong manggagaling sa mga bansang nasa ilalim ng travel restrictions bunsod ng bagong variants ng coronavirus disease.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang nag-approve sa nasabing panuntunan makaraang pag-usapan sa pulong noong Huwebes ang mga pagbabago sa testing at quarantine protocols para sa pasahero na mula sa 36 bansa na nasa ilalim ng travel restrictions dahil sa new COVID-19 variants.
“Incoming passengers shall be tested upon arrival and shall be quarantined until the result of a subsequent test administered on the fifth day is released,” ang isinasaad ng IATF Resolution No. 95.
Kapag negatibo ang resulta ng test ay iendorso sa local government units kung saan tutungo sa bahagi ng bansa ang pasahero na siya namang magmomonitor sa lagay nito sa loob ng 14-araw na kuwarantina.
Inatasan din ng IATF ang Department of Health at iba pang implementing agencies na magpo-provide ng quarantine protocols para sa bagong regulasyon ng health protocols.
Sa nasabing pulong ay pinagtibay rin ng task force ang aprubadong Philippine National COVID-19 Vaccination Roadmap and Implementation Plan, National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 na siyang magiging gabay para sa end-to-end guide sa pagbakuna para sa LGUs.
Samantala, iniutos din ng IATF na tanging hotels or accommodation establishments na may balidong accreditation mula sa Department of Tourism ang pahihintulutan tunguhin ng guest para mag-stay.
Habang ang iba pang guidelines para sa restaurant, cafes, gyms, spas function hall ay inilatag na rin ng DOT at IATF na alinsunod sa itina-kda ng batas ngayong nasa public health emergency ang bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.