PINALAWIG pa ng Pamahalaang Lokal ng Jose Abad Santos (JAS) san Davao Occidental ang lockdown sa dalawa nilang barangay na magtatagal hanggang Oktubre 16 kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa public post ni Mayor Jason John Joyce, nakasaad na ang munisipalidad ay magsasagawa ng maigting na lockdown sa Barangay Caburan Big atBarangay Caburan Small.
Magugunitang noong Oktubre 3, inilabas ng alkalde ang Executive Order (EO) 21-020 na naglalagay sa dalawang barangay ng isang linggong lockdown.
Sa kanyang huling EO 21-022, idiniin ni Joyce na kailangang palawigin ang lockdown upang mapigilan pa ang Covid-19 cases sa kanilang lugar.
Nasa full occupancy na rin ang Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Sa ngayon, naitala ang 392 total confirmed cases, 136 na bagong kaso hanggang Oktubre 6.
“All residents of Barangays Caburan Big and Caburan Small are mandated to stay inside their homes and are prohibited from going out, except for urgent medical emergencies, and except for the following authorized persons outside of residence (APOR),” ayon pa kay Joyce.
229161 550911Some genuinely interesting details, nicely written and usually user genial . 611006
458817 83355somehow identified your website when i was kind of stoned. good read 877711
335289 160766Good post. It does shed some light on the issue. By the for those interested in binary options can get an exclusive binary options bonus. 775876