2 BIFF MEMBERS NALAGAS SA MILITAR

MAGUINDANAO -DALAWANG miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army sa inilunsad na focused military operation laban sa mga teroristang grupo sa Brgy. Mao, Datu Paglas.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng AFP Western Mindanao, bandang ala-6 ng umaga kahapon nang maganap ang 10 minutong sagupaan.

Nakatakas ang mga kalaban na pinaniniwalaang kabilang sa BIFF-Karialan Faction sa pamumuno ni Mohiden Animbang, alyas Karialan.

Base sa ulat na isinumite ni Maj. Gen. Juvymax Uy, Commander ng Joint Task Force Central, walang nasugatan sa hanay ng mga sundalo at kinumpirna na may dalawa sa panig ng BIFF ang napatay.

Sa clearing operation sa encounter site ay nadiskubre ng mga sundalo ang dalawang enemy foxholes na hinihinalang hinukay mga ilang buwan na ang nakalipas.

Bukod sa dalawang bangkay na nakuha ng tropa ng gobyerno ay may nakuha ring isang bandolier na may dalawang long magazines para sa M16 rifle na may 50 rounds ng 5.56mm ammunition, dalawang civilian backpacks na naglalaman ng personal belongings, at mga pagkain.

Mula Enero 2021 hanggang kahapon, umaabot na sa 89 BIFF terrorists ang na neyutralisa ng militar, 41 rito ang napatay habang 48 naman ang sumuko. Ayon sa JTF Central nasa 56 firearms naman ang kanilang nabawi sa kalaban kung saan , 52 ay mga high-po­wered . VERLIN RUIZ

5 thoughts on “2 BIFF MEMBERS NALAGAS SA MILITAR”

  1. 57107 107701 can undertake all sorts of advised excursions with assorted limousine functions. Various offer wonderful courses and numerous can take clients for just about any ride your bike over the investment banking location, or even for a vacation to new york. ??????? 246772

Comments are closed.