MAGUINDANAO – NAPATAY ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na itinuturing ding drug syndicate makaraang makipagbakbakan sa tropa ng militar, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa liblib na bahagi ng Barangay Lipao sa bayan ng Datu Paglas, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay Maj. Gen. Diosdado Carreon, pinuno ng Army’s 6th Infantry Division, inilatag ng pinagsanib na puwersa ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, PDEA – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Buluan municipal police station ang operasyon laban sa mga suspek bandang alas-6:50 ng umaga.
Gayunman, napatay ang dalawa na kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan habang nakatakas naman ang kanilang lider na si kumander Grasscutter.
Nabatid na si Grasscutter ay sub-leader ng BIFF na sangkot sa drug trade sa lalawigan.
Narekober sa encounter site ang M14 rifle, M16 rifle, bandoliers at mga magazines. MHAR BASCO
254646 223658You must get involved in a contest very first of the greatest blogs over the internet. Ill recommend this page! 206243
621130 338914I believe one of your commercials caused my internet browser to resize, you might nicely want to put that on your blacklist. 582502
616023 330942Thrilled you desire sensible business online guidelines keep wearing starting tools suitable for the certain web-based business. cash 516839