2 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NAHARANG SA NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang dalawang Pinay Overseas Contract Workers (OFWs) na pinaniniwalaan biktima ng Human Trafficking.

Ayon sa report ng BI Travel Control Unit (TCU), ang dalawang OFWs ay pasakay sa kanilang Cebu Pacific flight nitong Abril 14, sa NAIA Terminal 3 na nagkunwaring mga kasama sa Muslims Pilgrimage sa Dubai.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, kadu-duda ang mga kilos ng dalawang ito at hindi pa magkakatugma ang mga sinasabi o sagot sa immigration officer habang sumasailalim sa imbestigasyon sa counter ng primary check point ng departure area.

Ngunit, kalaunan inamin ng dalawa na fabricated ang lahat ng kanilang mga dokumento at na-recruit sila sa pamamagitan ng facebook ng isang babae na siya rin nagproseso ng kanilang mga visa at ticket sa eroplano.

Ang dalawa ay agad na inilipat sa Inter-Agency Against Trafficking para sumailalim ng imbestigasyon upang matukoy ang illegal recruiter na nag-facilitate sa kanilang mga pekeng dokumento. FROILAN MORALLOS