2 BINATILYO NA NANG-HOLDAP SA BUS, SWAK SA SELDA

rehas

CALOOCAN CITY – ARESTADO ang da­lawa sa anim na bina­tilyong nang-holdap sa isang pampasaherong bus at tumangay sa cellphone at pera ng bus conductor.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, nasa hulihang bahagi ng isang passenger bus na galing Malanday patungong Baclaran ang bus conductor na si Mark Antony Suva, 35, ng. Brgy 73, Caloocan City nang umupo sa kanyang tabi ang anim na binatilyo.

Pagsapit sa Bonifacio Monument Circle alas-4 ng madaling araw, bigla na lamang nagdeklara ng holdap ang mga suspek at nang tinangkang pumalag ni Suva ay pinagtulungan itong gulpihin ng mga binatilyo bago sapilitang kinuha ang kanyang cellphone at P4,000 cash.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang humingi naman ng tulong ang mga pasahero ng bus kina P/Cpl Aguinaldo at P/Cpl Salagma ng Mobile Car N191 na nag­resulta sa pagkakaaresto sa dalawang binatilyo na edad 16 at 17-anyos.

Hindi nabawi ng pulisya ang cellphone at pera na tangay ng tatlong binatilyo na nagawang makatakas. EVELYN GARCIA

Comments are closed.