2 BOMBERO, DATING PULIS NADALE SA ROAD ACCIDENT

road accident

QUEZON – DEAD on the spot ang tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang bombero at isang pulis habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan sa karambola ng tatlong pampasaherong sasakyan sa lalawigang ito.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni Quezon Provincial Police Office Director P/Sr.Supt. Osmundo De Guzman, kasama sa mga nasawi  ang dalawang tauhan ng Bureau of Fire Protection na kinilalang sina FO3 Ronaldo Alcala at SFO2 Cleto Nataño at retired Police Insp. Juanito Untiveros.

Sugatan naman sina Roderick Odi, isang personnel ng Bureau of Fire Protection, Reynold Talain, Aimee Lerum, Marlex Mendegorin, Dandy Severa, Ariel Cris Principe at Lenon Earl Tagulinao na pawang sakay ng pampasaherong bus na nagkasalpukan sa Barangay Pansol, Lopez, Quezon.

Ayon kay SPO1 Roman Edora, habang binabaybay umano ng Mitsubishi Adventure na minamaneho ni FO3 Ronaldo Alcala lulan ang dalawa pang mga bombero na sina SFO2 Cleto Nataño, FO3 Roderick Odi at ang isang retired police na si Police Insp. Juanoto Untiveros nang mahagip ito ng P & O Bus galing Bicol region na minamaneho ni Julio Mayores, 50-anyos na may sakay na 20 mga pasahero.

Matinding pinsala sa katawan ang tinamo nina Alcala, Nataño at ng retiradong pulis na si Untiveros kaya agad na binawian ng buhay habang kritikal naman ngayon sa ospital sa lungsod ng Naga si Odi.

Lumilitaw na nag-overtake umano ang hindi pa matukoy na pampasaherong bus sa sasakyan ng mga bombero at nakasalubong nito ang P & O Bus.

Umiwas umano ang P & O sa kasalubong na bus kaya’t muntik pa raw mabundol ang isang malaking puno sa tabi ng kalsada.

Kinabig umano ni Mayores ang manibela kung kaya sa halip na sa puno ay sa sasakyan ito ng mga bombero sumalpok at nahagip naman ng adventure ang isa pang pampasaherong van.

Galing sa bayan ng Calamba, Laguna ang mga bomberong nakadestino sa Bureu of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Tagkawayan matapos mag-apply para sa kanilang promotion nang maganap ang aksidente.

Nananatili sa kustodiya ng PNP ang driver ng bus habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari. VERLIN RUIZ

Comments are closed.