2 BOMBERO PATAY, 3 GRABE SA ROAD MISHAP

Fire truck

ANTIQUE-KAMATAYAN ang sinapit ng dalawang miyembro ng  Bureau of Fire Protection habang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang sumadsad at sumalpok ang kanilang firetruck sa gilid ng highway sa bayan ng Sibalom ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ni  Fire Senior Supt. Jerry Candido, Regional Director ng Bureau of Fire Protection-6, ang mga namatay na sina FO1  Joy Ardaña at FO1 John Darryl Peralta.

Samantala, sugatan naman sina FO1 Judy Baldone, FO1 Charmie Leigh Forro, at si FO1 Rechelle Lustica.

Lumabas sa pagsisiyasat na patungo sana ng Barangay Villafont ang  team ng mga bombero para tumulong sa Brigada Eskuwela kaugnay sa pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral.

Sinasabing biglang nawalan ng preno ang firetruck kaya sumadsad saka sumalpok sa gilid ng highway. VERLIN RUIZ

Comments are closed.