NORTH COTABATO – NAG-DEPLOY ng karagdagang puwersa ang Philippine Army sa Lanao del Norte para sa idaraos na plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) .
Ayon kay Army 1st Infantry Division Spokesman Capt. Clint Antipala, naka-deploy na simula pa noong Lunes ang itnalagang additional forces pa-ra matiyak na mapapangalagaan ng husto ang seguridad sa mga lugar na pagdarausan ng botohan.
Inihayag na Antipala na isang Task Force o katumbas ng dalawang brigade (3,000) ang itinalaga para sagupain ang anumang security challenges, threats, o mga pananabotahe.
Ayon naman kay 6th Infantry Division spokesman Maj. Arvin Encinas, nagsagawa sila ng after plebiscite review kasunod ng botohan sa Cotabato City para magamit sa North Cotabato plebiscite. VERLIN RUIZ
Comments are closed.