DALAWANG cabinet secretaries ang iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission kaugnay sa umano’y kasong katiwalian.
Sa press briefing kahapon sa Malakanyang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na natanggap ng kanilang opisina ang inihaing reklamo laban sa dalawang opisyal ng gobyerno.
Gayunman, tumanggi si Belgica na tukuyin ang dalawang cabinet secretaries na aniya’y sasailalim sa malalimang imbestigasyon.
“There were complaints that were filed so we are duty-bound to investigate,” sabi ni Belgica
Buwan pa aniya ng Pebrero nang sinimulan ng PACC ang imbestigasyon at inaasahang matatapos sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Belgica, isang private individual ang naghain ng reklamo laban sa isang cabinet secretary habang ang isa naman ay galing sa mga empleyado mismo.
“We cannot reveal to the public until it has been submitted to the President (Rodrigo Duterte). The President decides on it, then it can be opened to the public,” dagdag pa ni Belgica. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.