KALINGA – Kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAF-GU) na nasa kritikal na kalagayan matapos umanong lusubin ng rebeldeng grupo ang kanilang detachment sa Tabuk, Kalinga.
Pansamantala, hindi muna pinangalanan ang dalawang miyembro ng CAFGU na kasalukuyan pa ring ginagamot.
Ayon kay Col. Henry Doyawen, Commanding Officer ng 503rd Infantry Brigade, nasa 50 hanggang 100 miyembro ng KLG Baggas ng New People’s Army (NPA) ang sumalakay sa CAFGU detachment na kinaroroonan ng 28 CAFGU members.
Posibleng ito’y mga bagong recruit dahil halos mga kabataan ang lumusob sa nasabing detachment.
Samantala, sinasabing nasawi ang isang miyembro ng makakaliwang grupo sa engkuwentro na nagtagal ng halos dalawang oras. REY VELASCO
Comments are closed.