NAKATANGGAP tig-P100k na cash gift ang dalawang centenarians mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Makati kahapon.
Base sa Facebook page ng My Makati, ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ang nasabing cash gift kina Felisa Nepomuceno ng Barangay Valenzuela at Magdalena Yacatnaman ng Barangay Bangkal.
Bukod sa nasabing halaga, ang dalawang centenarians ay tumanggap din ng plake ng certificate of recognition at mga bulaklak.
Si Nepomuceno ay isinilang noong Marso 18, 1920 samantalang ang araw naman ng kapanganakan ni Yacat ay Hulyo 22, 1920.
Ang dalawang benepisyaryo ay napapabilang sa nauna nang 73 centenarians na kinilala ng lokal na pamahalaan.
Napag-alaman din na ang Lungsod ng Makati ay ang nanguna sa mga ng local government unit (LGU) na kumilala sa centenarians bago pa man pinagtibay ang Republic Act 10868 o ang Filipino Centenarian Act of 2016.
Sa ilalim ng pamumuno ni Makati City Mayor Abigail ‘Abby’ Binay,mayroon ng kabuuang 48 na centenarians ang kinilala sa lungsod na napagkalooban din ng cash gift na P100,000. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.