ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-3) at Barangay Intelligence Network (BIN) ang apat katao kabilang ang dalawang Chinese na may-ari ng smuggled at pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Zone 6 Brgy. Burol 2nd Balagatas, Bulacan.
Sa report ni PLt.Col. Luke Ventura kay CIDG Director PMGen. Albert Ignatius D Ferro kinilala ang mga nadakip na suspek na si Zeng Qiangjian 42, ng Bigaa, San Juan, Balagtas; Lin Shanxiong, 48-anyos, kapwa negosyante ng Maybunga, Pasig City; John Bejay Agujar, 25-anyos, binata helper ng Brgy. Tabon, Pulilan, at Rodolfo Brosas, ng Guiguinto, Bulacan.
Sa imbestigasyon ni PMSGs Jayson Dela Cruz, Linggo ng madaling- araw, nang isagawa ng mga pulis ang buy-bust operation sa nabanggit na lugar.
Ayon naman kay Ferro, higit na tatlong buwan ang opersyon ng grupo na tinawag na “Hithit-Buga” sa Central at Northern Luzon.
Matatandaang milyong halaga rin ng pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga pulis sa Pangasinan, Subic sa Olongapo,at Pampanga na umabot na sa higit 100 milyong.
Nabatid na modous ng mga suspek ang pagbebenta ng paper cup na inilalagay sa likurang bahagi ng kanilang closed van, habang nasa loob o dulong bahagi ng sasakyan nito ang kahon ng mga sigarilyo na ibinebenta ng patago.
Nasa higit 1,384 kahon ng iba’t ibang uri ng sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P32 milyon.
Nakumpiska rin ang isang Isuzu elf truck na mag plate no.CBJ-6630.
Sinabi naman ng kinatawan ng ng isang tobacco company na malaking dagok sa mga grupo na sangkot sa ilegal na gawain anila malinaw na peke at smuggled ang nakatambak sa nabanggit na warehouse.
THONY ARCENAL
223535 15789Hi there! Good stuff, please do tell me when you lastly post something like this! 686590
420175 252681Oh my goodness! a amazing write-up dude. Thanks a lot Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Perhaps there is anybody acquiring identical rss issue? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 85161