PASAY CITY – ARESTADO ang dalawang Chinese nang dukutin ang isang negosyanteng Taiwanese dahil sa utang nitong P100,000 sa isang Casino-hotel.
Ayon kay Sr. Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City Police, ang dalawang nadakip ay sina Liang Liang Fan at Chen He, na-nunuluyan sa isang condo unit sa nasabing lungsod.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang ma-rescue ang biktimang si Kuan Hung Chou, 31-anyos, at naninirahan sa Makati City, sa tinutuluyang condominium ng dalawang suspek.
Ayon sa report ni Chief Inspector Wilfredo Sangel, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, nakatanggap sila ng isang text messages nitong Linggo ng umaga mula sa isang nagngangalang Fan Chun Lin, kaibigan ng biktimang si Chou, na humihingi ng tulong dahil sa dinukot at ikinulong ang kanyang kaibigan sa nasabing condominium.
Agad namang bumuo ng team si Sangel upang ma-rescue ang biktima at dito ay naabutan ng mga aw-toridad ang biktima sa isang kuwarto na binabantayan ng dalawang suspek. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.