2 CHINESE NASAKOTE SA NAIA

DINAMPOT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang da­lawang Chinese na nagkunwaring mga Costa Rican national.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Wang Songyi, 54-anyos at Liao Fudi, 50-anyos na na-intercept noong Oktubre 19 sa NAIA Terminal 1 bago makasakay sa kanilang Philippine Airlines flight patungong Kuala Lumpur.

Ayon sa report, ang dalawang ay papuntang Canada, kung saan pinaplano ng mga ito na gamitin ang kanilang Costa Rican passports para ma­kapasok sa Canada.

Nadiskobre ang modus ng dalawa matapos makitaan ng iregularidad sa kanilang Costa Rican passport at pekeng immigration stamps.

Nadiskubre rin na hindi marunong magsalita ng salitang espanyol at kalaunan inamin ng dalawa na Chinese sila.

Ang dalawa ay agad na dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at mananatili ang mga ito sa kulungan habang naka-pending ang kanilang deportation order ng BI Board of Commissioners.

FROILAN MORALLOS