2 CHINESE PATAY, 2 NA RESCUE NG PCG

PALAWAN -APAT na Chinese ang tinangkang sagipin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) subalit patay na ang dalawa nang abutan ng rescue team habang nagpapalutang-lutang sa dagat sakop ng bayan ng Rizal.

Sa ulat ng PCG, isang Filipinong mangingisda na kinilalang si Maria Mabuhay ang nakakita sa apat na Chinese fishermen sa karagatang sakop ng Brgy. Canipaan.

Mabilis na humingi ng tulong si Mabuhay sa PCG dahilan para maglunsad ng agarang rescue operation ang mga tauhan ng PCG, sa pagsisikap na mailigtas ang mga dayuhang mangingisda.

Subalit patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng PCG ang dalawang Chinese fishermen.

Ayon sa salaysay ng mga survivor na sina Fu Wanke at Lu Yunian galing sila sa Hainan, China at nakaranas ng malalakas na alon dahilan para mapadpad sa karagatan ng Palawan.VERLIN RUIZ

2 thoughts on “2 CHINESE PATAY, 2 NA RESCUE NG PCG”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *