2 CHRISTMAS SHOPPERS DEDO SA VEHICULAR ACCIDENT

LAGUNA -DALAWA katao ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa motor sa mga lungsod ng San Pablo at Cabuyao kahapon.

Ang dalawang naturang pangyayari ay parehong pamimili ng ihahanda sa darating na Pasko ang itinuturong dahilan.

Sa San Pablo dead on arrival sa hospital si Jayson Haen, 26-anyos, may asawa at residente ng Poblacion 3, Barangay Balagtas ng mabundol ng isang rumaragasang motorsiklo na minamaneho ng isang nag-ngangalang Isagani Velasco. Sinabi ng mga imbestigador ng San Pablo police office na patawid na ang biktima sa isang intersection sa nasabing lungsod ng mahagip ang dala dala nitong bag na naglalaman ng pinamili para sa Pasko.

Hindi.na umabot ng buhay ang biktima sa emergency room ng ospital.

Sa lungsod naman ng Cabuyao isang Mark Anthony Onipig, 25, binata ng Barangay Sala ang nabundol ng isang motor na walang plate. number at minamaneho.ng isang alias “Kano” bandang alas- 2 ng hapon. Sinasabing naglalakad umano si Onipig sa gutter ng kalsada ng mahagip ang kaniyang kaliwang bahagi ng katawan sanhi para ito matumba at mabagok ang ulo sa semento. Mabilis na nadala sa Cabuyao community hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay. ARMAN CAMBE