DALAWA katao ang sugatan nang aksidenteng tamaan ng ligaw na bala mula sa pumutok na baril ng tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon City Hall.
Ayon kay BJMP Spokesperson Supt. Jayrex Bustinera, nangyari ang insidente bandang alas-9 ng umaga kung saan nagtungo ang ilang tauhan ng BJMP sa City hall para sana tumanggap ng regalo mula sa pamahalaang lungsod.
Sinabi ni Bustinera na idedeposit na sana ng kanilang jail officer ang service firearm nang aksidente itong pumutok.
Dalawa ang tinamaan na agad namang dinala sa pagamutan.
Hawak naman na ng Quezon City Police District ang BJMP Officer.
Tiniyak ni Bustinera na mahaharap sa kaparusahan ang jail officer sa oras na mapatunayang nagkaroon ng kapabayaan.
EUNICE CELARIO