2 COAST GUARD NAGPAPUTOK SA LAMAY

CAVITE- NAHAHARAP ngayon sa iba’t ibang kaso ang dalawang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) na nag-amok at nagpaputok ng baril sa Naic nitong Pebrero 18 ng madaling araw.

Ayon kay PCG Spokesperson Adm. Armand Balilo, inilabas ng ahensya ang naturang rekomendasyon matapos ang imbestigasyon ng PNP.

Aniya, hindi kinukunsinti ng PCG ang ginawa ng kanilang mga tauhan na may ranggong Seaman Second Class ang mga sangkot.

Nabatid na nakunan sa CCTV ang pagdating ng dalawang PCG personnel na nakamotor sa Brgy. Latoria na armado ng PCG-issued assault rifle ang isa sa kanila at nakasuot ng battle dress uniform.
Pinuntahan ng naka-uniform na PCG ang kanyang live-in partner na nasa burol.

Nagkaalitan ang dalawa hanggang sa namaril ng 18 beses ang lalaki na pinaniniwalaang selos ang dahilan.

Walang nasawi o nasaktan ang naturang pamanaril ng suspek.

Nahuli ang dalawa sa follow up operation ng mga pulis kung saan napag-alaman na on-duty ang dalawa at nakainom pa.

Nahaharap sila sa kasong illegal discharge of firearms at administratibo.
SID SAMANIEGO