DAHIL sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 at para makaiwas na rin sa hawaan, pansamantalang sinuspinde kahapon ang operasyon ng dalawang tanggapan ng Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos itong isailalim sa disinfection.
Ang mga ito ay ang Consular Affairs Office sa Aseana sa Parañaque City at ang NCR West sa SM Maynila.
Ayon sa DFA, ang mga aplikanteng may confirmed appointment ay maaring i-accommodate ngayong araw ng Miyerkoles, at sa muling pagbubukas ng operasyon ay hanggang August 20, 2020.
Ang iba pang mga DFA Consular Office ay mananatiling bukas alinsunod sa kanilang karaniwang office hour.
Humihingi ang DFA ng pag-unawa at kooperasyon sa publiko habang nagpapatuloy ang paglaban ng buong sa COVID-19 pandemic. LIZA SORIANO
Comments are closed.