2 COP HEROES SA ILOILO-GUIMARAS STRAIT TRAGEDY PINARANGALAN

nalulunod

CAMP CRAME– BINIGYAN  ng medalya ng kadakilaan ang dalawang pulis dahil sa ipinakitang kabayanihan nang tumulong sa pagsagip sa mga nalulunod sa nangyaring paglubog ng bangka sa Iloilo-Guimaras Strait noong Agosto 3, 2019.

Mismong si PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ang nagsabit ng medalya sa dalawang pulis.

Kinilala ang mga ito na sina Police Chief Master Sergeant Jonathan Magan ng San Lo­renzo Municipal Police Station ng Guimaras Police Provincial Office at  Police Staff Sergeant Rodito Erpelua nakatalaga sa  Regional Headquarters Support Unit ng PRO6.

Matatandaang sa nangyaring trahedya sa dagat, batay sa datos ay mahigit 30 ang namatay nang tumaob ang nasabing sasakyang pandagat. REA SARMIENTO

Comments are closed.