2 COVID-19 PATIENTS NAGKA-INLABAN SA ISOLATION FACILITY

iso;ation

NAGING makulay ang pagmamahalan ng 22-anyos na binata at 18-anyos na dalaga na kapwa may COVID-19 makaraang pagtagpuin sa isolation facility sa Faustino K. Labiton Elementary School (FKLSES) sa Barangay Carahayan, bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Nabatid na isinailalim sa isolation facility noong Hunyo 16, 2020 si Mirasol ng Brgy. Carahayan habang si Jiel ay nakatira sa Brgy. Tabayon, General Santos City matapos umuwi sa kanilang probinsiya para sa quaratine processing.

Nabatid kay Daphne Jane Cabilao, staff sa quarantine facility, hindi naitago ni Jiel ang nararamdamang pagmamahal kay Mirasol sa unang pagtatagpo sa isolation facility.

At makalipas ang ilang araw, napansin na rin ng iba pang staff sa quarantine na nagkatuluyan na ang dalawa.

Magugunitang nabulabog ang isolation facility nang humiling si Jiel ng gitara sa kanyang kapatid upang haranahin si Mirasol.

Samantala, nakalabas na ang dalawa matapos na makarekober sa COVID 19 at naghahanda na si Jiel para mamanhikan sa mga magulang ni Mirasol. MHAR BASCO

Comments are closed.