2 COVID-19 PATIENTS NASAWI

Covid patient

DALAWANG pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19  sa Malabon City.

Ayon sa ulat ng City Health Department, Nobyembre 27 nang bawian ng buhay ang dalawang pasyente mula sa Barangays Dampalit at Panghulo kaya’t umabot na sa 222 ang namatay sa lungsod dahil sa naturang sakit.

Nadagdagan naman na 31 confirmed cases na sa kabuuan umabot na sa 5,822 ang positive cases at 30 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Concepcion (1), Dampalit (2), Longos (12), Maysilo (1), Muzon (2), Panghulo (5), Potrero (1), Tinajeros (3), Tonsuya (2) at Tugatog (1).

Sa kabila nito, 23 na pasyente naman ang nadagdag sa mga gumaling na mula sa Barangays Concepcion (1), Ibaba (1), Longos (9), Maysilo (1), Niugan (1), Panghulo (5), Tinajeros (3), at Tonsuya (2). VICK TANES/EVELYN GARCIA

Comments are closed.