DAHIL sa walang tigil na buhos ng ulan dulot ng bagyong Marce, nagsimula nang magbawas ng tubig ang dalawang dam sa Benguet sa Luzon.
Ayon sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, sabay na binuksan kahapon umaga araw ng Miyerkules ang tig isang gate ng Ambuklao at Binga Dam.
Abot sa 33 cubic meters per second (cms) ang pinapakawalang tubig ng Ambuklao habang 32.28 cms naman sa Binga.
Batay sa monitoring, nasa 751.41 meters ang water elevation ng Ambuklao o may pagitan na .59 meters bago maabot ang 152.00 meters normal level.
Habang 574.68 meters naman ang water level ng Binga na may pagitan lamang na .32 meters bago ang 575.00 meters normal water level.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga low lying areas na posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ng dalawang dam.
EVELYN GARCIA