CAMP AGUINALDO- NAG-AMBAGAN ang officers at enlisted personnel ng 2nd Infantry Division, Philippine Army na katumbas ng dalawang araw nilang pangkain (2-day meal allowance ) para tulungan ang mga mahihirap na komun-idad noong Mothers’ Day.
Nakalikom ang Philippine Army ng P206,700 mula sa 897 sundalo ng 2nd ID na ginamit para makabili ng groceries, na kanilang ipnamahagi sa mismong araw ng Mother’s Day celebration.
Ayon kay Senior Master Sergeant Ireneo Dialogo, 2ID’s leader ng NCO Corps na nagpasimuno sa nasabing humanitari-an mission, nasa 405 na pamilya mula sa tatong pinakamahihirap na lugar sa Brgy. Sampaloc ang nakatanggap ng ‘Mother’s Day gift packages’ na naglalaman ng 13 essential items kabilang ditto ang ilang kilong bigas.
Pinapurihan naman ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr, Commander ng 2ID, ang ginawang hakbang ng kanyag mga sundalo sa panahon ng COVID-19 pandemic para maayudahan ang mga komunidad na nasa paligid ng kanilang himpi-lan.
Pahayag ni Burgos sa mga tauhan na ang nararanasang crisis ay isang oportunidad para tulungan ang mga tao na lubhang nahihirapan dahil sa epekto ng corona virus pandemic. VERLIN RUIZ