2 DIREKTOR APRUB SA WORKING HOURS NG MGA TAGA-SHOWBIZ

APRUBADO sa mga direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone ang reflectionbagong naipasang batas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) tungkol sa working hours ng mga taga-industriya.

Although hindi naman daw nila talaga nabasa pa ang buong nilalaman ng bagong batas na ipinapatupad ng FDCP, naniniwala sila na ito ay makabu-buti para sa mga manggagawa ng industriya.

“This is good for the health of the people in the industry. Kasi, hindi na siya healthy talaga.  I mean, kumbaga, may mga namatay na nga, e. So, habang maaga pa dapat maayos natin ‘yun para sa industrya. But again, I haven’t read the article. But if it is regarding working hours, it is good,” lahad ni Direk Dan.

Nakausap namin si Direk Dan and Direk Antoinette sa 4th Ambassador’s Night ng FDCP kung saan binigyan sila ng pagkilala para sa international recognition na nakuha ng pelikulang iprinodyus nila, ang “Hintayan ng Langit” na pinagbidahan ng yumaong aktor na si Eddie Garcia.

“Sobrang grateful, honored to be part of this event,” lahad ni Direk Antoinette.

Sabi naman ni Direk Dan,  “Kapag nakita mo ‘yung roaster of the awards, parang, the fact na nakasama ka roon, nakaka-touch na, e. Flattering. I feel very honored to be part of this year’s Ambassador’s Night.”

Isa si Direk Dan sa mga huling direktor na nakatrabaho ni Eddie sa pelikula. Kaya kinuha namin ang reaksyon niya sa ipinasang bill sa Kongreso, ang Eddie Garcia Act.

“Kanina nu’ng binigyan siya ng award, nakaka-goosebumps. ‘Tsaka parang may certain sadness with what happened. In a way certain pride rin na nai-direk ko siya. Kumbaga, I’ve been part of the filmography of Tito Eddie.”

Sinubukan din namin kunin aang reaksyon ni Direk Antoinette sa hiwalayan ng dati niyang nakatrabaho na sina James Reid at Naine.Lustre.

“Ayoko pong mag-comment. Ayolo na pong mag-comment kasi relas­yon po nila ‘yun, e,” lahad ni Direk Antoinette.

And what about sa pag-alis ni Nadine sa Viva, we asked Direk Antoinette.

“Ayoko ring mag-comment. Hahaha!”

Sa ngayon, ginagawa nila ang movie version ng kantang pinasikat ng Parokya ni Edgar, ang ‘Mang Jose’ na pinagbibidahan ni Janno Gibbs. Habang nasa audio-post na raw ang bagong movie na prinodyus nila ni Direk Dan na pinagbibidahan ni Paulo Avelino. At umaasa sila na mapalabas ang proyekto nila with Paolo this year.

MS. BILBILING MANDALUYONG KINABOG ANG IBANG KANDIDATA

ISA sa mga naging hurado sa ginanap na Bilbiling Mandaluyong 2020 ang dating Miss Earth Philippines 2018 na si Silvia Celeste Cortesi. After her reign, plano niyang sumali sa Bb. Pilipinas and win the most coveted crown as Bb. Pilipinas Universe.

Pero ngayong napunta na sa ibang organisasyon ang magpuputong ng korona for the country’s representative sa Miss Universe pageant, mukhang sa Miss Phillippines na sumubok si Celeste.

Anyway, si Rocy Grace A. Cajandab ang kinoronahan bilang bilang Bilbiling Mandaluyong 2020 mula sa Barangay Hulo.

Umangat agad si Rocy sa labanan sa unang round pa lamang ng question and answer portion among the other candidates na pumasok sa Top 15. Kaya pagdating sa natirang Top Five, nakatutok na ang mga hurado sa isasagot niya sa tanong over her rivals.

In fairness, pangabog din ang sagot ni Rocy sa tanong sa Top Five. Kaya naman knows na agad namin kung sino ang tatanghaling bagong Bilbi­ling Mandaluyong.

Binati naman ni Mandaluyong Mayor Menchie Abalos ang mga nanalo sa Bilbiling Mandaluyong 2020 through her Facebook account. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta sa pageant at sa mga hurado na talaga namang nahirapan sa pagpili sa bagong Bilbiling Mandaluyong 2020.

Tinanghal naman bilang Firsrt Runner Up si Liah Gomez (Brgy. Barangka Ilaya), Second Runner Up si Drew Sophia Herrera (Brgy. Hagdang Bato Libis), Third Runner Up si Glaidel Ara Rivera (Brgy. Plainview) at ang Fourth Runner Up naman ay si Princes Catherine Ilagan (Brgy. Addition Hills).

Congratulations sa kanilang lahat!

Comments are closed.