MAYNILA- DALAWANG doktor pa ang iginupo ng coronavirus disease (COVID-19) kaya umabot na sa 12 na physicians ang pumanaw sa nasabing sakit.
Kinumpirma ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) President Dr. Rustico Jimenez, ang naturang ulat kahapon.
Gayunman, hindi muna pinangalanan ni Jimenez ang dalawang doktor na namatay na rin dahil sa COVID-19.
Kasabay nito, nanawagan ding muli si Jimenez sa pamahalaan ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPE) sa mga pribadong pagamutan para maprotektahan ang mga health worker at maiwasang dapuan ng virus.
Pinayuhan pa niya ang mga taong nais na mag-donate ng PPE na idiretso na ang mga ito sa pinakamalapit na pagamutan.
Nakikiusap din siya na huwag nang i-hold ang PPEs sa mga bodega ng Department of Health (DOH) at ipamigay na lamang ng ipamigay para maisalba ang mga frontliner. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.