2 DRIVER TIMBOG SA POT SESSION

POT SESSION-4

SA kulungan ang bagsak ng dalawang dri­ver matapos mahuli na aktong sumisinghot ng marijuana sa Ca­loocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel ang mga naarestong suspek na si Michael ­Pangilinan, 36, ng 82 Gen. Malvar Brgy. 142 at Victorino Bonifacio, 47, ng 86 Interior Mariano Ponce St., Brgy. 132.

Ayon kay Ca­loocan Police Community Precinct (PCP) 1 Commander PCI Joebie Astucia, alas-10:30 ng gabi, nagpapatrolya sina PO1 Jemar Veluz at PO1 Alfredo Adatta Jr. sa kahabaan ng Brgy. 132, Bagong Barrio nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ini-report ang hinggil sa isang grupo na nagpa-pot-session sa Gen. Concepcion St.

Mabilis na ni­respondehan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot ng marijuana na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Narekober ng pu­lisya sa lugar ang isang disposable lighter, aluminum foil na may bahid ng sunog na marijuana at dalawang plastic sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa mga suspek.                      EVELYN GARCIA

Comments are closed.