2 DRUG COURIERS TIKLO SA P3.4M SHABU

CAVITE – HABAMBUHAY na pagkakulong ang kinakaharap ng dalawang drug couriers makaraang makum­piskahan ng P3.4 milyong halaga na shabu sa isinagawang buy- bust operation ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA 4A sa parking lot ng mall sa Bacoor City sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Aliakbar Pangandaman y Macasimbar at Halik Jamal y Janie Mahmoud na sinasabing kapwa residente ng Maynila.

Sa inisyal na ulat ng PDEA regional office 4A, lumilitaw na may ilang linggong isinailalim sa surveillance ang dalawa bago inilatag ang drug operation sa parking area ng mall bandang ala-1 ng hapon.

Agad na dinakip ng mga operatiba ang mga suspek na hindi na nagawang pumalag pa subalit tumangging magbigay ng detalye kaugnay sa nasamsam na pakete na shabu na tumitimbang na 500 gramo.

Narekober din sa dalawa ang mga drivers license, ilang identification cards, ATM cards, P1000 mark money na ginamit sa buy-bust operation.

Isinailalim na sa drug test ang dalawa habang pina- chemical analysis naman sa Provincial Crimes Laboratory ang nasamsam na narcotic drugs na gagamitin sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA9165 (An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002). MHAR BASCO

3 thoughts on “2 DRUG COURIERS TIKLO SA P3.4M SHABU”

  1. 20355 560186It is a shame you dont have a donate button! Id most certainly donate to this outstanding internet website! I suppose in the meantime ill be happy with bookmarking and putting your Rss feed to my Google account. I look forward to fresh updates and will share this blog with my Facebook group: ) 637153

Leave a Reply

Your email address will not be published.