2 DRUG PUSHERS BULAGTA, 7 PA NALAMBAT

drug pusher

BULACAN – PATAY ang dalawang drug pushers habang pitong iba pa ang nadakip ng mga pulis sa anti-criminality operations.

Sa report ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Emma Libunao kay PRO-3 Regional Director, BGen. Rhodel Sermonia, kinilala ang isa sa dalawang napatay na si Roy Acebron na kabilang sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ganap na ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro makaraang makatunog na pulis ang katransaksiyon ng mga suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang 31 plastic sachets ng hinihina­lang shabu,  isang caliber 38  na baril, at isang motorsiklo na walang plaka.

Arestado rin ang apat na drug suspects sa siyudad ng San Jose Del Monte  City at bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT).

Kinilala ang mga nadakip na sina Joel Cahana, 43-anyos, Jaime Lozada, 51-anyos, ng Brgy.  Sto Cristo ng nabanggit na lungsod at nakuha mula sa kanila ang 13 plastic sachets ng shabu.

Gayundin sina Arnel Joaquin, 20-anyos, at Marlon Capili, 23-anyos,  na nahuli sa checkpoint via Oplan Sita, View Deck Arc, ng Brgy. Pulong Sampalok, DRT, Bulacan.

Naharang ang dalawa dahil sa walang suot na helmet, habang sakay ng motorsiklo na walang plate number kung saan nahulihan pa sila ng isang tea bag ng pinatuyong dahon ng marijuana. THONY ARCENAL

Comments are closed.