ARESTADO ng mga operatiba ng Taguig police Drug enforcement Unit (DEU) ang dalawang drug pusher na nakuhanan ng 605 gramo ng pinaghihinalaang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng P106,000 nitong Abril 27.
Kinilala ng Taguig police ang mga inarestong suspect na sina aya Jom, 21, at Angel, 28-anyos.
Base sa report ng Taguig City police, matagumpay na naisagawa ng mga operatiba ng DEU ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sta. Ana na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspects.
Sa isinagawang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba sa posesyon ng mga suspects ng limang plastic sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 150 gramo na nagkakahalaga ng P18,000; 20 plastic sachets na naglalaman pa rin ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 100 gramo katumbas ng halagang P12,000; isang container na nakabalot ng packaging tape at plastic sachet na naglalaman din ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 350 gramo (P42,000); limang plastic sachets na naglalaman naman ng pianghihinalaang shabu na may timbang na limang gramo na nagkakahalaga ng P34,000 at ang P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police.MARIVIC FERNANDEZ