QUEZON CITY – Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang No. 1 at 2 sa drug personalities ng Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim naman ni Supt. Rossel Cejas.
Kinilala ang mga inaresto na sina Roban Valenzuela, 42, ranked No. 1 drug personality ng PS 4, at Philip Damian Alejo, 40, ranked No. 2, na kapuwa mga residente ng Brgy. Bagbag, Novaliches.
Alas-5:30 ng hapon noong Huwebes nang isilbi ang search warrant sa Brgy. Bagbag, Novaliches, laban kina Damian na nilagdaan ni Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, RTC Branch 89, Q.C., dahil sa kasong illegal drugs, habang sa Valenzuela naman ay mayroon pa itong warrant of arrest sa kasong murder na nilagdaan naman ni Ferdinand Baylon, RTC Branch 77, Q.C.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pakete ng droga at iba pang paraphernalia. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.