2 ESTUDYANTE NALUNOD

BATANGAS- KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng dalawang magkaibigan na kapwa nasawi nang masawi malunod habang naliligo sa isang beach sa Barangay Calayo, Nasugbu sa lalawigang ito ng Miyerkules ng umaga.

Sa pahayag ng Nasugbu Municipal Risk Reduction Management office, nakilala ang mga biktima na sina Mark.Aldrin Siringan, 22-anyos, residente ng Vererans Village, Barangay Pasong Tamo, Quezon city at Marvin Sid- ay at naninirahan sa Barangay Holy Spirit, lungsod ng Quezon.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Nasugbu police station, bandang alas- 8 ng umaga nang dumating sa beach ang magkaibigan kasama ng iba pa nilang kaklase at agad na naligo matapos na umupa ng isang cottage sa lugar.

Base sa ulat ng Nasugbu MDRRMO, malakas na umano ang hampas ng alon sa dagat mula nang lumamig ang temperatura sa paligid kung kaya’t inaabisuhan na umano ng mga opisyal ng barangay ang mga maliligo sa beach na maging alerto at huwag pumalaot sa gawing limang talampakan ang lalim.

Sa mga ibinigay na pahayag ng mga nakasaksi na napansin umano nila ang paglangoy ng mga biktima palayo sa dalampasigan at ang pagkawala ng mga ito nang magsimulang lumaki ang mga alon mula sa gitna ng dagat.

Nag- alala na umano ang mga kaibigan ng dalawa ng hindi na makita ang mga ito matapos na humupa ang malakas na hangin.

Agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga kaibigan nina Sid-ay at Siringan para sa isang rescue operation.

Makaraan ang may tatlong oras, natagpuan ang katawan ng dalawang biktima sa dulong bahagi ng Barangay Calayo na kapwa wala ng buhay. ARMAN CAMBE