DAVAO CITY – DALAWANG ex convict dahil sa kasong may kaugnayan sa droga ang muling bumalik sa lansangan subalit isa rito ang napaslang ng mga pulis habang arestado naman ang isa pa sa lungsod na ito.
Ayon sa Davao City Police Office Linggo ng madaling araw nang mapatay ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation ang isang Dounjie Ahunin sa Barangay Panacan.
Napatay ang suspek nang manlaban umano ito sa pulis na nagsagawa ng anti-drug operations.
Nakuha anila kay Ahunin ang P200,000 halaga ng shabu at isang .38 revolver.
Dayo lamang sa lugar ang suspek, sabi ng mga opisyal ng barangay.
Kakalaya lamang niya matapos makulong noong 2015 dahil sa ilegal na droga, dagdag ng pulisya.
Samantala, nahuli naman ang isang Ruben Somuza matapos makitaan ng 3 pakete ng hinihinalang shabu sa Barangay 31-D, Sabado ng hapon.
Kakalaya lamang din ni Somuza matapos makulong nang halos 5 taon dahil sa kaso sa ilegal na droga, sabi ng mga imbestigador.
Karamihan anila sa mga parokyano ng suspek ay mga tricycle driver.
Iginiit naman ni Somuza na itinanim lang sa kanya ng mga awtoridad ang ebidesiya laban sa kanya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.