BULACAN- ARESTADO ang dalawang fixers sa Land Transportation- Tabang, Guiguinto Branch sa entrapment operation ng m Criminal Investigation and Detection Group kasama ang Anti-Red Tape Act.
Sa report ni PMsg Jayson dela Cruz, una na silang nakatanggap ng reklamo sa ilang mga naging biktima ng Fixers dahil sa talamak na ilegal na transaksyon sa labas ng tanggapan ng LTO.
Alas-10:40 ng umaga nang ikasa ang entrapment operation laban kina alyas Rey, 43-anyos, tricycle driver, ng Sta. Maria; at alyas Carline, 35-anyos, ng Balagtas.
Una nang inereklamo ang mga suspek nina Roleli P Tulas- Security and Investigator Officer at
Dexter S Sulit- Intelligence Officer ng (ARTA) na kapwa nagpanggap na kliyente ng LTO.
Nakuha sa mga suspek ang pitong P1,000 bill na computerized boodle money at dalawang genuine na P500 bill.
Samantala tiniyak naman ni Dennis Silomon ng Arta na paglabag sa R.A 9485 “Anti-Red Tape Act” as amended by R.A 11032 ang isasampang kaso laban sa dalawa. THONY ARCENAL
717330 964575I used to be recommended this web web site by my cousin. Im no longer certain whether this put up is written via him as nobody else know such exact approximately my issue. Youre amazing! Thank you! 286738