2 FOREIGN NATIONAL, 1 PINOY ARESTADO SA P149.6-M SHABU

SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency led joint anti-illegal drug operation ang isang drug laboratory katuwang ang military at pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa isang Canadian, isang French nationals at isang kasabwat na Pilipino kahapon sa isang posh residential area sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Tinatayang nasa 22 kilos ng shabu na may street value na aabot sa ₱149,600,000 milyon ang nakumpiska ng a multi-agency law enforcers kahapon ng madaling araw sa nasabing upscale neighborhood sa Ayala-Alabang Village.

“This group used a modified setup for manufacturing shabu. The shabu is mixed in liquid form, then washed with acetone. It’s practically an odorless process, which is probably why they were confident in doing it here in a residential area”, pahayag ni ASEC. Gregorio R. Pimentel, PDEA Officer-in-Charge na nanguna sa operation.

Armado ng dalawang search warrant ay sinalakay ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR Southern District, PDEA Regional Special Enforcement Teams 1 & 2, PDEA SIU, PDEA Special Enforcement Service, Bureau of Customs (BOC) CAIDTF, BOC-CIIS MCP, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy and the National Intelligence Coordinating Agency, katulong ang Philippine National Police SPD DID, SPD DDEU, at Muntinlupa CPS ang nasabing shabu laboratory.

Target ng mga awtoridad ang bahay sa No. 304 Mabolo Street sa Ayala-Alabang Village at sa No. 523 Madrigal Avenue, Ayala Alabang.

Nakatago sa loob ng bahay sa No. 304 Mabolo Street ang iba’t ibang laboratory equipment, several quantities ng chemicals used na ginagamit sa paggawa ng illegal drugs gaya ng shabu at ang 20 kilos ng shabu.

Dalawang tao ang dinakip sa target address na kinilalang sina Aurelien Cythere, 41-anyos, Frenchman at Mark Anthony Sarayot y Ravelo, 42-anyos , negosyante na naninirahan sa 23 Cabbage Street, Valle Verde 5 sa Barangay Ugong, Pasig City.

Sa pangalawang target na bahay na nasa 523 Madrigal Avenue, Ayala Alabang ay nakakuha ang mga awtoridad ng 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600,000 at sari saring laboratory equipment, identification cards, at 5 mobile phones.

Dinakip din ang isang Ariana Golesorkhi, alias ‘Kano’, 33 anyos, Canadian na ipinanganak sa Iran at may ari ng isang beauty parlor.

“These suspects are linked to Mexican, Australian and Canadian drug trafficking groups. We are currently investigating these links and several other drug personalities,” dagdag pa ni ASEC Pimentel.

Nahaharap ang mga nadakip sa paglabag sa Sections 8, 11, and 12 of Article II, Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. VERLIN RUIZ/ EVELYN GARCIA