2 GAMOT SA INDIA MAY POTENSIYAL VS COVID-19

Glenmark Pharmacueticals Ltd

DALAWANG  antiviral drugs ang isasalang sa clinical trial ng Glenmark Pharmacueticals Ltd. sa India bilang potensiyal na gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tinukoy ng Glenmark ang dalawang gamot na favipiravir at umifenovir.

Tiniyak ng Glenmark ang pag-apruba ng Indian regulatory para sa nasabing pagsusuri kung saan target nitong mailahok sa clinical trial ang nasa 158 pasyenteng mayroong moderate COVID-19.

Sa ngayon isa ang India sa mga bansang matinding naaapektuhan ng COVID-19 pandemic na may death toll na 4,167. DWIZ882

Comments are closed.