NASA bansa ngayon ang dalawang (2) KC-130J Hercules Aircraft ng United States III Marine Expeditionary Force para magsagawa ng humanitarian assistance and disaster response operation sa mga nasalanta ng Super Typhoon Julian sa hilagang Luzon lalo na sa Batanes.
Namahagi ang United States government ng emergency aid at air transport support sa Pilipinas matapos ang hagupit ni Bagyong Julian (internationally name: Krathon).
Sinabi ng US Department of Defense (DOD) nitogn Sabado na ang US Marines, ay nagpadala ng tauhan at kagamitan upang maghatid ng foreign disaster relief (FDR) supplies sa pamamagitan ng KC-130J Hercules aircraft sa mga apektadong lugar sa bansa.
Dumating nitong nakalipas na lingo ang dalawang aircraft sa Villamor Airbase mula sa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC), may dalang humanitarian assistance at disaster relief supplies ang dalawang aircraft na bahagi ng pangako ng US Government sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).
Ihahatid sa Laoag Airport ang mga dalang relief supply bago dalhin sa Batanes gamit ang US MV2 at CH5-1 Aircraft dahil hindi kakayanin ng airport sa Batanes ang bigat ng dalawang cargo plane.
Nagpaabot naman ng pasalamat si National Defense Secretary Gilbert Teodoro sa tulong ng US Government
Makikilahok ang III Marine Expeditionary Force (MEF) sa mga tauhan mula sa I MEF’s 15th Marine Expeditionary Unit and Marine Rotational Force – Southeast Asia, na “already located in-country for training,” upang pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong.
Nabatid na nag deploy din ang Philippine Air Force (PAF) ng kanilang C-130 cargo plane sa Batanes kasunod ng pananalsa ni Super Typhoon Julian.
“In partnership with the GMA Kapuso Foundation’s: Operation Bayanihan initiative, the PAF transported two batches of essential goods, providing life-saving assistance to approximately 14,000 individuals affected by the super typhoon, ani Col Ma Consuelo Castillo ang taga pagsalita ng PAF.
Nagpasalamat naman ang GMA Kapuso Foundation, kasama ang Office of Civil Defense at Department of the Interior and Local Government (DILG), sa PAF sa pangunguna ni commanding general Lt.Gen Stephen Palomado Parreño sa kanilang suporta para matiyak na makakarating sa mamamayan ng Batanes ang kanilang tulong.
VERLIN RUIZ